Wednesday, March 4, 2020

 Ayon sa artikulo na inilabas ng Phil Star, ang pagpapakamatay ay dapat ayusin ng mas maigi at panandalian sapagkat ito ay tumataas taon taon. Base sa ulat o statistics ng World Health Organization o WHO, ang rate ng pagpapakamatay ng lalaki simulang 2001 hanggang 2016 ay lumaki mula 4.5 hanggang 5.2 habang ang mga babae ay mula 1.8 hanggang 2.3. Ang pagpapakamatay ay isa sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng maraming Pilipino na patuloy ang pag laganap at pag taas. Maraming balita ang kumakalat sa telebisyon at "social media" ukol dito.

       Hindi ito bago sa Pilipinas, sapagkat noong kapanahonan palamang ni Jose Rizal ay makikita na natin ang gawaing pagpapakamatay na masasalamin sa iilang kabanta ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Isa na dito ay ang Kabanata 50 ng Noli Me Tangere na pinamagatang "Ang kasaysayan ni Elias". Sa nasabing Kabanata, ipinapahiwatig ang malupit na karanasan at kasaysayan na naranas ng pamilya ni Elias. Nagsimula ang kabanata sa pagkukuwento ni Elias, na ang kanyang lolo ay namasukan bilang isang "bookkeeper" sa opisina ng isang negosyanteng Kastila. Isang gabi, ay nagkaroon ng sunog sa bodega ng negosyante at ito ay lumaganap at kumalat sa ibang ari-arian na nagudlot ng matinding pinsala. Walang nakakaalam sa dahilan at kung sino ang nagsunog ngunit kailangan may managot kung kaya't ang kanyang lolo, ang tanging taong nadoon ang siyang pinaratangan na may sala. Sinabi ng lolo ni Elias na wala siyang kasalanan ngunit hindi siya pinakinggan at dahil walang pera, hindi siya makakuha ng isang mahusay na abogado. Dahil dito siya ay kinondena at pinahirapan, pinahiya at pinaratang ang kanyang pangalan ng "Eibarramedia" palantandaan na nakasala siya at nakagawa ng di mabuting gawa sa pamilya Eibarramendia, isa sa mga makapangyarihang na pamilya noon. Itinakwil sila na kahit ni isa ay walang tumanggap sa kanila at itinuring na parang hayop hanggang sa gumaling ang sugat ng lalaki at sila ay nagtago sa kabundukan. Habang sila ay nasa kabundukan ay doon pinanganak ng babae ang isang kulang sa buwan at may diperensiyang sanggol na namatay. Dito ay ilang mahahabang buwan silang nanirahan ng palihim at patakot na umiiwas sa mga mamayanan. Hanggang naduwag at umabot sa pagkakataon na nagpakamatay ang lolo ni Elias sapagkat hindi na niya matagalan ang paghihirap ng may sakit niyang ginang at labis na ang paghihikahos. Ngunit hindi ibig sabihin na nangyari na ito sa nakaraan ay dapat na ituring bilang isang normal dahil ang pinaguusapan natin dito ay uhay ng isang tao at mga bagay na dapat natin ayusin upang maibsan ang ganitong sitwasyon.


       Marami ang dahilan o bagay na nagtutulak ng mga tao na magpakamatay sa Pilipinas:
  1. Pamilya- Ang pamilya ay itinuturing bilang isa sa mga nakakaapekto ng tao. Sila ang nagbibigay ng atensiyon at pagmamahal na makakatulong sa ating paglaki at pang unlad. Ngunit may mga pagkakataon kung saan mismo ang pamilya ang nagkakaroon ng problema at dahilan kung bakit nagpapakamatay ang isang tao. Isa na dito ay Domestic Violence. Ayon sa suicide. org, Isa sa apat na babae na nabiktima ng domestic vioence ay nagpapakamatay habang lahat ng biktima ng domestic violence ay maaring mapatay ng nang aabuso. Dahil dito, mas naghahangad ng proteksiyon at kalaayan ang mga kabataan at mga miyembro ng pamilya na matigil o maibsan ang kanilang pighati, sakit at kahirapan na nadadama. Kung saan, napapagisipan nila magpakamatay na lamang dahil ito ang mabilis na paraan na iwasan ang sakit.
  2. Panghuhusga o Pambubully- Lahat tayo ay isinilang na may pagkakaiba at hindi perpekto kung saan hindi dapat natin husgahan ang isa't isa. Ngunit patuloy padin ang panghuhusga, pamamahiya o pambubully sa anyo, gawain at katangian ng isang tao. Ayon sa www.bullyingstatistics.org, base sa isinagawang pagaaral ng Yale University, nakita o nagresulta na halos lahat ng pagpapakamatay ng mga mababata ay dahil sa panghuhusga at pangiinsulto. Ito ay sinusuportahan ng isang artikulo ng Abs-Cbn news kung saan nilalaman ang pagbintang sa pangiinsulto o bullying bilang sanhi ng pagpapakamatay ng isang binatang  lalaki sa Batangas.
  3. Rape- Isa sa mga sa hindi kaaya aya na pangyayari kung saan hindi nararapat sa batas ng pantao at ng gobyerno. Sa ating bansa, 13.1 ang naiulat na panggahasa ayon sa www.pcv.gov.ph Rape| Philippines Comission in Women. Maraming artikulo ang tungkol sa pagpapakamatay ng mga taong nagahasa tulad ng ulat ng Abs Cbn News na nilalaman ay isang 14 na dalagita na nabuntis dahil sa rape ay nagpakamatay.
  4. Mental na Kalusugan o Depresyon- Ang depresyon ay nagsisimula sa simpleng bagay na hindi masama tulad ng lungkot, galit, pagkahinayang at iba pa ngunit ito ay lumalaki at hindi maibsan dahil sa kakulangan ng pag aalaga at pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya Ayon sa artikulo ng Abs Cbn, isiniwalat nila na ang depresyon ay maaring maging sanhi ng pagkamatay at dapat ito malaman ng lahat. Kung saan ang batas ng Veritas 846 ay muli isinusulong ng mga tao na binabantayan at inaalagaan ang mental health ng mga tao.
  5. Edukasyon- Maraming tao ang nagpapakamatay dahil sa kakulangan ng orientasyon at impormasyon ukol sa gawaing ito. Ang kanilang sariling kaisipan na ito ay isang paraan upang makatakas sa pagsubok ng buhay at problema ay hindi naitatama ng mas mainam ng mga gobyerno sapagkat ang pagpapakamatay ay maguudlot lamang ng panibagong problema sa ibang taong malapit sa kanila. Ang iba ay nagpapakamatay dahil sa pagsuko sa paaralan at pag aaral dahil sa kataasan ng expektasyon at kulang na suporta o pagpapahalaga ng mga taong malapit sa kanya ayon sa larawan ng video ng Rated K na pinamagatang "Child Suicide"
       Pangkalahatang, ang pagpapakamatay ng isang tao ay isang isyung panlipunan na nangyayari sa maraming paraan. Ito ay maari dahil sa sarili o sa mga taong nakapalibot sa atin. Maari din sa mga pagsubok ng ating buhay na ating madaraanan kung saan ito ay normal lamang dahil kung makukuha natin ng panandalian ang isang bagay na walang sakripisyo o laban, hindi natin ito pahahalagahan at hindi makikita ang kanilang halaga sa ating buhay. Marami din ang natatakot na lumapit at humingi ng tulong sa mga tao o kundi ay tawagin ang suicide hotline ngunit ang totoong problema ay  tayo mga tao dahil kung ititigil natin ang pagiging makasarili at pagawa ng masama, sa una palamang ay hindi ito mangyayari.  Kung kaya't ngayon ay dapat ako at tayong lahat ay matutong maging sensitibo sa lahat ng nakapalibot na tao sa atin at sila ay bigyan ng halaga, pagmamahal at kaalaman. Sapagkat, kapag nangyari ito, sila ay pupunuin ng magagandang karamdaman kung saan maiibsan ang kanilang pinagdaanan at mga sakit at bigat na kanilang pinapasan at gayon nadin ang mga taong magpapakamatay. Matututo din ako at sila na magsalita sa kanilang nararamdaman at ito ay magsisilbing inspirasyon sa lahat upang matulungan ang kanilang kapwa sa kanilang pinagdaanan. Kapag lahat ay naapektuhan ng simple gawain na ito, na nagpagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kapwa, maari ang buong Pilipinas ay matututong igalang ang lahat at gumawa ng mga pagbabagong ikakabuti ng lahat ng tao na maguudlot ng kapayapaan at kaunlaran sa sarili nating inang bayan. Kung kaya't kayo at ako ay matutong, "Ituring Kayamanan, Ang sarili nating buhay".






References:

World Health Organization
ABS CBN news
Suicide.org
Rated K
Gma Network
Bullystatistic. org
www.pcv.gov.ph